Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Pebrero, 2023

PAG IBIG (Tula)

Pag Ibig (Tula) Pag Ibig ( tula)   Pag Ibig by: Judy Ann Omar Nakakabaliw kapag Di napipigilan, Sapagkat ito ay kusa ng lumalaban. Nakakapang-hina kapag ika'y nasaktan,  Na siyang Dulot para ikaw ay mawalan. Bagaman ito'y isang makapangyarihan, Isa sa mga sumasakop sa sanlibutan. Ikaw, sila at Tayo ay nag-iibigan, Pamilya,kaibigan pati mga kalaban. Pag ibig ang nakakapagbago ninuman, Walang pinipili bata o matanda man. Mahigpit man ang problema'y nalalabanan, Puso't Isipan pag ibig ang siyang laman. Ang Pag ibig ay may pagkakagulo-gulo,  Minsan ay baluktot,minsan naman ay wasto. Kapag nagmahal sila ay talagang Totoo, Naging Inspirasyon at pagbabago ng tao. Minsa'y Wagas na kung magmahal ng patago, Minsan naman ay nasasaktan na at bigo. Kahit gaano ka dakila ang Pag ibig, Mayroon talagang papasok at sisira. Minsan Dulot nito ay kilig sa simula, Gitna nito'y Ngiti at dulo nito'y Luha. Huwag mawalan ng pananampalataya Diyos ay sandigan at tunay na pag asa.